(5) Sabi din ng iba, di #absolute ang #FreeSpeech. Hindi nga. Pero ang #limit non ay ang #karapatan ng iba. Kung nagsanhi ng pagkawala ng karapatan ng iba ang ginawa ni Pura, dapat syang pigilan. Pero anong karapatan ba ng ibang tao ang naalis dahil sa ginawa ni Pura?
(1) Gusto ko man ang ginawa ni #PuraLukaVega o hindi, walang konek yun sa pagbibigay o pagkilala ng #batas sa #karapatan ng mga #LGBT. So mali yung pahayag ng iba na sinetback ni Pura ang #LGBTrights. Kung ibabase sa karakter ng mga indibidwal na myembro ang karapatan ng isang grupo, e di dapat din bang pagkaitan ng karapatan ang mga #straight dahil may mga straights na hindi rin perpekto ang karakter? Di naman conditional ang karapatan. Inherent yun sayo.