Jasmine Curtis nanggigil kay Atty. Ferdie Topacio: Dugyot ka!

Jasmine Curtis nanggigil kay Atty. Ferdie Topacio: Dugyot ka! - Lemmy.World
>Nitong Huwebes, March 5, dinipensahan ng abogado si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay matapos itonga-bash sa social media dahil sa viral “nag-init” statement nito patungkol kay Anne Curtis. > Kasunod nito ay ang pagtirada kay Jasmine dahil nagsalita ito para ipagtanggol ang kapatid laban sa kongresita. > Pinuna ng abogado ang pagsusuot ng aktres ng bikini photos at pagbabandera nito ng mga larawang sexy sa social media. >“Kayong mga artista, mga ganyan, ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan—hindi ba para ikaw ay pagnasahan, para ikaw ay sumikat?” saad ni Topacio. >Samantala, ang naturang video clip ni Topacio na kuha mula sa kanyang show ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram story. >“YOWWWWW WHAT THE ACTUAL ??? WHAT THE!!! DUGYOT KA!” gigil na sabi ni Jasmine. >Bukod sa mga pahayag ng abogado laban sa aktres ay ipinagtanggol rin nito ang kongresista at iginiit na walang malo sa sinabi nito. >“‘Yong iniisip mo, hindi ka puwedeng—hindi criminal offense. Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae na gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin (ano na, harapan na), hindi kasalanan ‘yon!” tanggol ni Topacio kay Suntay. >Samantala, wala pa namang inilalabas na bagong tugon o pahayag si Topacio kaugnay sa naging realsyon ni Jasmine sa mga sinabi niya.