Muling bumalik ang isang bar passer sa simbahang dinalaw niya noon para manalangin na maging abogado.

Siya si Bayan Patroller Mika Santiago-Jurial na isang pulis at ngayo’y bagong abogado. Aniya, nanalangin din siya sa simbahang ito noong kumuha siya ng criminology board exam.

#Bar2023
#Manila

Bitbit niya ang kaniyang congratulatory tarpaulin at nagpunta sa National Shrine of Saint Jude Thaddeus Manila.

Bilang deboto ni St. Jude, malaki ang pasasalamat niya na narinig ulit ang kaniyang panalangin at nakapagtala siya muli ng bagong tagumpay sa buhay.

#Bar2023
#Manila