NBI: SIM card 'kayang irehistro' kahit unggoy ang nasa ID matapos i-test
NBI: SIM card 'kayang irehistro' kahit unggoy ang nasa ID matapos i-test - Lemmy.world
> MANILA, Philippines — Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na kayang lumusot sa “SIM card registration” ang ilang kahina-hinalang identification cards — ito’y matapos mapag-alamang pwedeng makapagrehistro rito kahit hayop ang nasa litrato ng ID. > “We entered the face of an animal and different names. Natanggap pa rin,” banggit ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc nitong Martes ng gabi sa pagdinig ng Senado. > Aniya, sinubukan nilang i-testing ito gamit ang iba’t ibang telecommunications company noong Lunes nang gabi bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon. > Dagdag ni Lotoc, madali na ngayong gumawa ng government IDs online at magpatong lang basta ng litrato sa ibabaw nito.