Nagpakain sa mga residenteng apektado ng #BulkangKanlaon na nasa tatlong evacuation centers sa Binalbagan, Negros Occidental ang grupo ng mga nanay na Feed All Barangays Municipality of Binalbagan (FAB-MOB) noong Setyembre 18.

#KanlaonVolcano
#NegrosOccidental

Nagbuga ng usok ang #BulkangKanlaon sa #NegrosOriental at nagkulay abo ang tubig ng Inyawan River kahapon, Setyembre 12. Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 2 sa bulkan.

#KanlaonVolcano
#Kanlaon

Ibahagi ang inyong kuwento, larawan, o bidyo sa Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook page o sa ireport@abs-cbn.com

Basahin ang kaugnay na ulat: https://news.abs-cbn.com/regions/2024/9/12/79-volcanic-quakes-rock-kanlaon-volcano-spews-more-sulfur-dioxide-809

#KanlaonVolcano
#BulkangKanlaon
#Kanlaon
#PHIVOLCS
#BMPM

Manatiling ligtas at alerto, Kapamilya!

Nakataas ang Alert Level 2 sa #BulkangKanlaon ngayong araw, Setyembre 12, ayon sa #PHIVOLCS. May mga residente nang malapit sa bulkan ang lumikas dahil sa mga naitalang aktibidad nito.

#KanlaonVolcano
#Kanlaon
#BMPM

Namahagi ng inuming tubig ang lokal na pamahalaan ng La Carlota, #NegrosOccidental sa mga residente ng Sitio Mansibanga, Bgy. Ara-al na apektado ng pagputok ng #BulkangKanlaon. Ito’y matapos mahaluan ng abo ang tubig mula sa kanilang gripo.

Basahin ang kaugnay na ulat: https://news.abs-cbn.com/regions/2024/6/7/bilang-ng-mga-evacuees-sa-negros-occidental-dahil-sa-bulkang-kanlaon-nadagdagan-1845

Nagrasyon ng halos 70 galon ng tubig ang Bureau of Fire and Protection sa La Castellana National High School sa #NegrosOccidental na nagsilbing evacuation area ng mga apektado ng pagputok ng #BulkangKanlaon.

Basahin ang kaugnay na ulat: https://news.abs-cbn.com/regions/2024/6/7/vog-possible-as-taal-belches-sulfur-dioxide-1053

Inabot ng #lahar o #mudflow mula sa pumutok na #BulkangKanlaon ang Bgy. Biak na Bato, La Castellana, #NegrosOccidental kahapon, Hunyo 5.

Basahin ang kaugnay na ulat: https://news.abs-cbn.com/news/2024/6/5/torrent-of-volcanic-mudflow-hits-philippine-village-1726

Abala ang mga residente ng Bgy. Yubo, La Carlota City, #NegrosOccidental sa pagsalba ng mga pananim na nabalot ng asupre mula sa pumutok na #BulkangKanlaon.

Basahin ang kaugnay na ulat: https://news.abs-cbn.com/regions/2024/6/4/canlaon-city-nagdeklara-ng-state-of-calamity-dahil-sa-pagputok-ng-bulkan-1813

#Kanlaon